LABIS na ikinatuwa ng beteranang aktres na si Susan Roces ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang batas sa pagpalit ng Fernando Poe Jr. Avenue sa pangalan ng Roosevelt Avenue sa Quezon City.
Papalitan na ang pangalan ng Roosevelt Avenue na nasa legislative district ng Quezon City bilang Fernando Poe Jr. Avenue.
Ayon sa aktres nagpapasalamat ito sa pagkilala at pagpapahalaga sa kanyang yumaong asawa sa pagpapangalan sa kanya ng FPJ avenue.
Dagdag niya, maging inspirasyon sana ang kababaang-loob, malasakit sa kapwa, at pagmamahal sa sining ni FPJ sa bawat tao na daraan sa lugar na ito.
Matatagpuan ang ancestral residence ni Poe sa Roosevelt Ave., sa 1st district ng Quezon City kung saan siya lumaki.
Nauna nang idineklarang national artist si Poe na natunghayan sa kanyang 300 pelikula sa loob ng kanyang 46 na taon sa showbiz.
Matatandaang, binawian ng buhay ang tinaguriang “Da king” noong 2004 sanhi ng sakit sa puso.