Suspek sa 25.3-M halaga ng taklobo, tiklo sa Cebu

TIKLO sa Cebu City ang suspek sa 25.3-M halaga ng taklobo.

Nahuli sa entrapment operation ng CIDG Mandaue, Philippine Air Force at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isang lalake dahil sa iligal na pagbibenta ng taklobo.

Ayon sa BFAR, bawal ito sa batas.

Kinilala ang suspek na si Jagger Gaje Vitorillo, 41 anyos, residente ng Purok Lubi Lubi, Brgy. Poblacion, Oslob, Cebu.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA. 8550 o The Philippine Fisheries code of 1998 as ammended by R.A. 10654 (prohibiting the act of selling, exporting possession of giant clams).

SMNI NEWS