ARESTADO ang suspek sa pagpatay sa 2-taong gulang na bata.
Alas-4:30 ng madaling araw noong Abril 3 nang magkaroon ng matinding alitan ang mag-live-in partner sa Purok 4-A, Livelihood Village, Brgy. San Roque Dau 1st, Lubao, Pampanga.
Nauwi ito sa karahasang nagresulta sa pagkamatay ng isang 2-taong gulang na batang lalaki.
Batay sa imbestigasyon, nagselos umano ang lalaki at sinaktan ang kanyang ka-live-in partner. Tumakas ang babae para sa kanyang kaligtasan ngunit bumalik para kunin ang anak, na datna’y duguan na.
Sa muling pag-atake ng suspek, aksidenteng nasaksak ang bata gamit ang patalim.
Isinugod sa ospital ang mag-ina ngunit idineklara nang dead on arrival ang bata.
Sa isinagawang hot pursuit operation, nadakip ang suspek kinabukasan ng Abril 4 sa parehong barangay, sa tulong ng Lubao MPS, Pampanga Police Intelligence Unit, at Pampanga SWAT.
Follow SMNI News on Rumble