Swine Repopulation Program nakatakdang simulan ng DA habang bumababa ang kaso ng ASF. Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na sisimulan ang Swine Repopulation Program nito sa mga lugar na lubos na apektado ng African Swine Fever (ASF) na hindi na nakasailalim sa quarantine.
Ang mga lugar na ito ay naka-classify na sa “pink” at “yellow” zones.
Ang mga pink zones ay mga lugar na wala nang naitalang asf sa loob ng 90 na araw ngunit malapit sa infected zone.
Ang yellow zones naman ay ang surveillance zones na kinabibilangan ng mga probinsyang may mataas na peligro ng virus dahil sa dami ng populasyon ng baboy at laki ng trade ng pigs, pork at pork products.
Ayon kay DA usec William Medrano na ang mga benepisyaryo ng programa ay makatatanggap ng tatlo o hanggang limang “sentinel” piglets at kasama na dito ang feeds, veterinary drugs, biologics at anti-viral agents sa kalagitnaan ng 6-month fattening period.
Ang nasabing programa ng DA ay nagkakahalaga ng 600 million pesos.