BINUKSAN ng Taguig LGU ang Center for the Elderly sa Barangay Pembo para sa senior citizens ng “EMBO” barangays.
Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, may 100 senior citizens ng Brgy. Pembo ang unang nakalasap ng mga benepisyo ng pasilidad gaya ng sauna and massage sessions, foot spas, movie screenings, at refreshments.
Dagdag din ng alkalde, ito’y bilang bahagi ng kanilang Transformative, Lively, and Caring Agenda.
May lugar din ang mga nakatatanda para sila ay makapag-relax at mas maging komportable sa pamamagitan ng therapy pool, clinic, cinema/mini theater, multi-purpose hall/recreational area, at rooftop garden.
Sa naturang center din ang Taguig Geriatric Program, na inilunsad sa pakikipagtulungan ng St. Luke’s Medical Center, para sa mga kinakailangang komprehensibong serbisyong pangkalusugan, kasama ang konsultasyon ng mga doktor.
Gaya ng libreng memory, visual, and hearing skills assessment at mayroon ding lectures at forums ukol sa depression, dementia, osteoporosis, at eating habits.