MAGPAPATULOY sa buwan ng Mayo ang talakayan sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa joint oil exploration sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), saklaw ng magiging talakayan na ito ang parameters at term of reference ng maritime exploration.
Tiniyak ni DFA Sec. Enrique Manalo na magbibigay update ito kay Sen. Francis Tolentino kung anuman ang mapag-usapan.
Nauna nang sinabi ni Tolentino na maging maingat ang DFA dito dahil posibleng magiging daan lang ito na magkaroon ng mas malakas na presensiya ng mga Chinese sa Pilipinas.