Tamang pamamahala sa NBP, ilang dekada na napabayaan

Tamang pamamahala sa NBP, ilang dekada na napabayaan

ILANG dekada nang napabayaan ang tamang pamamahala sa New Bilibid Prison (NBP), ito ang paniniwala ni Bureau of Corrections (BuCor) director General Gregorio Catapang, Jr.

Isinalarawan pa ni Catapang na habang tumatagal siya sa pamumuno ay mas marami ang problema na kaniyang nadidiskubre sa loob ng Bilibid.

Isa aniya rito ay ang matagal nang naisabatas na BuCor Modernization Program, pero naisantabi sa ilang panahon kaya ito’y kaniyang ipinatutupad ngayon.

Kaugnay nito, nangako si Catapang na ang lahat ng problema sa Bilibid ay kaniyang haharapin at patuloy na hinahanapan ng solusyon.

Target aniya nito na makamit ang tunay na reporma sa loob ng limang taon, bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter