AYON kay Political Strategist Prof. Malou Tiquia, si Pastor Apollo C. Quiboloy lamang ang senatorial candidate na nagawang maglunsad ng nationwide campaign kick-off kahit hindi siya personal na nakadalo.
Ipinunto ni Tiquia na ito ay patunay ng malakas na suporta at organisadong pagkilos ng kaniyang mga tagasuporta sa iba’t ibang panig ng bansa.
“Kayo ang una sa kampanyang ito na nakagawa ng nationwide kick-off at tumataas ang balahibo ko ‘pag tinitingnan ko kasi wala silang kandidato.
Hindi nila kasama si Pastor [Apollo] Quiboloy, pero nagawa niyong mag-nationwide.
Kung gaano katibay ng KOJC at ng mga kasapi ni Pastor Quiboloy, ito na ‘yun, nakikita niyo kung gaano sila kalakas at nararamdaman ng buong Pilipinas na pinaglalaban natin ang kausa ni Pastor Quiboloy,” pahayag ni Prof. Malou Tiquia, Political Strategist.
Follow SMNI News on Rumble