Tausug nagpahayag ng pasasalamat kay FPRRD sa pag-unlad ng Sulu

Tausug nagpahayag ng pasasalamat kay FPRRD sa pag-unlad ng Sulu

NANINIWALA si Nur-Raez Omar, isang youth leader at co-convenor ng Paguli’ Buddi FPRRD, na ang dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay may malalim na koneksiyon sa mga Tausug, hindi lamang bilang lider kundi bilang isang kasapi ng kanilang komunidad.

“And apart from that, siya ‘yung nagdala ng solution, siya ‘yung naging tulay para ‘yung mga local leaders namin magkaroon ng direct access sa ating national government in terms of eliminating and combating the local terrorism dito sa probinsya ng Sulu,” pahayag ni Nur-Raez Omar, Co-Convenor, Volunteer of Paguli’ Buddi FPRRD, Youth Leader.

Dahil dito, unti-unting naresolba ang problemang matagal nang humahadlang sa pag-unlad ng Sulu.

Para sa kaniya, isa sa pinakamalaking pagbabago sa Sulu ay ang pagbuti ng seguridad.

Paliwanag ni Omar na noon, mahigpit na ipinapayo sa mga residente na manatili sa kanilang bahay pagsapit ng alas-sais ng gabi.

Ngunit ngayon, mas ligtas na ang kanilang kapaligiran kahit abutin hanggang madaling araw sa labas ng pamamahay.

“I don’t want to speculate or make any judgment. But the fact of the matter is that naging peaceful ang probinsya ng Sulu. Some would even call it a miracle because for all those years in the past, Sulu has been labeled as a province with an overwhelming presence of terrorist groups,” dagdag ni Omar.

Para sa maraming residente, ang katahimikan ngayon sa Sulu ay tila isang himala.

Matagal nang nakilala ang lalawigan bilang isang lugar na may mataas na presensiya ng mga teroristang grupo.

Ngunit sa panahon ng administrasyon ni Duterte, naging mas malinaw ang commitment ng pamahalaan na sugpuin ang terorismo at pasimulan ang pag-unlad sa lugar.

 “We’re so focused on showing that we are grateful for the things that he has done for the province of Sulu. Ayaw namin mabahiran ng politika. Ang gusto lang namin ay maipakita namin that President Duterte was a great leader and a great president for the people of Sulu,” aniya.

Sa kabila ng mga isyu at usaping patuloy na kinakaharap ng dating pangulo, nananatiling buo ang suporta ng maraming Tausug sa kaniya, hindi lamang bilang isang lider kundi bilang isang taong tunay na nagmalasakit sa kanilang probinsiya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble