Team Aragones at Ejercito, magtatambal sa lalawigan ng Laguna ngayong May 2022 elections

Team Aragones at Ejercito, magtatambal sa lalawigan ng Laguna ngayong May 2022 elections

MAGTATAMBAL sa lalawigan ng Laguna ngayong May 2022 elections sina outgoing 3rd district Congresswoman Sol Aragones at Jorge Jericho Ejercito.

Opisyal nang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy ang dalawa para sa posisyon ng pagka gobernador at bise gobernador ng lalawigan ng Laguna.

Tututukan ng dalawa ang pagpapayaman sa turismo sa probinsiya.

Tinanggap na ang hamon at panawagan ng mamamayan ng Laguna na subukan nina outgoing Laguna 3rd district Congresswoman Sol Aragones at ang anak ng dating Governor ER Ejercito, na si Jorge Jericho Ejercito bilang governor at vice governor ng probinsiya.

Para kay Ejercito, bagamat bagito, hindi na aniya bago sa kanya ang politika dahil sa dugong nananalaytay sa kanya bilang apo at anak ng mga politiko sa bansa.

Sa kabilang banda, tututukan din ng magkatandem ang pagdaragdag pa ng mga ospital at mga kaparehong pasilidad sa lalawigan habang kasalukuyang dinadayo ng pandemiya dulot ng COVID-19 ang bansa.

Anila, hindi madali ang problema sa pandemiya at marami na rin ang namamatay dito.

Samantala, aminado ang mambabatas na malaking hamon sa kanya ang pangangampanya sa isa sa pinakamayamang probinsiya sa bansa pagdating sa boto, pero susubukan pa rin ito na makuha ang interes at suporta ng taumbayan para sa pagbabago aniya ng Laguna.

Samantala, sa Miyerkules inaasahan namang magsusumite ng kanyang COC si ex Laguna Governor ER Ejercito bilang alkalde ng Calamba.

Nilinaw nito na sa kanyang pagtakbo, ay upang bawiin nito ang pondo na dapat para sa mamamayan ng Calamba na hanggang ngayon aniya ay hindi pa nagagalaw at nais nitong silipin ang mga pagkukulang ng mga nakaupo sa pwesto.

Bigo lang aniya siyang nakaporma noon dahil sa panggigipit sa kanya ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

SMNI NEWS