PNP, patuloy ang pagpapalakas ng depensa laban sa banta ng terorismo ngayong May 2022 elections

PNP, patuloy ang pagpapalakas ng depensa laban sa banta ng terorismo ngayong May 2022 elections

PATULOY ang pagpapalakas ng depensa ng Philippine National Police (PNP) laban sa banta ng terorismo ngayong May 2022 elections.

Handang handa na ang PNP sa posibleng banta ng terorismo o kaguluhan ngayong panahon ng kampanya at halalan sa bansa.

Inalerto na ng PNP ang lahat ng local police units sa bansa para paghandaan ang posibleng tangka ng terorismo sa bansa.

Sa kanyang video message, pinaaalalahanan nito ang lahat ng kawani ng pambansang pulisya na maging alerto at maingat laban sa mga lokal na terorista.

Lalo na ngayong nagsimula na ang filing of candidacy ng mga politico.

Kaugnay nito, nanindigan ang PNP na hindi sila matitinag sa mga taktika ng mga kalaban lalo na sa banta ng karahasan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Lalo na sa mga matataong lugar at karaniwang may tala ng election related violent incidents.

Batid ng PNP na maging sila anila ay hindi patatawarin ng mga kalaban ng gobyerno kung kaya’t kanila na itong ipinauubaya sa lahat ng pwersa ng pamahalaan na maging mapagmatyag sa mga paligid upang maiwasan ang anumang karahasan ngayong panahon ng halalan.

Nauna nang sinabi ng PNP na naging mapayapa at maayos ang mga naunang araw ng filing of candidacy na magtatapos hanggang October 8 sa susunod na linggo.

SMNI NEWS