Thailand, nakatakdang magbakuna ng higit sa 4-M estudyante

Thailand, nakatakdang magbakuna ng higit sa 4-M estudyante

BABAKUNAHAN ng Thailand ang higit sa 4-M estudyante sa bansa ayon sa inihayag ng Education Ministry.

Nakatakdang bakunahan ng Education Ministry ang higit sa 4 milyong estudyante na nasa edad 12 hanggang 18 taong gulang gamit ang Pfizer vaccine sa susunod na buwan.

Ayon kay Kanokwan Vilawan Deputy Minister of Health ng Thailand, ang ministry ay nakatakdang mamahagi ng 3-M Pfizer vaccine sa mga estudyante.

Inaasahang darating ang mga bakunang ito sa buwan ng Setyembre.

Sa ngayon ay naghahanap pa ang ministry ng karagdagang bakuna para sa apat na milyong estudyante sa bansa.

Samantala, binisita na rin ng Bangkok Metropolitan Administration ang mga vulnerable na grupo sa kanilang mga tahanan upang mabakunahan.

90% porsyento ng residente ng Bangkok, nakatanggap ng unang doses ng bakuna

Gayunpaman, nakatanggap na ng unang doses ng bakuna ang 90% ng residente sa Bangkok.

Ayon sa Bangkok Metropolitan Administration spokesman na si Pongsakorn Kwanmuang, nasa kabuuang 6,717,024 na katao na naninirahan sa Bangkok ang nakatanggap ng kanilang unang shot ng bakuna na 87% na ng populasyon ng Bangkok.

Nasa kabuuang 1,591,453 katao na ang fully vaccinated sa bansa na 27% ng kabuuang populasyon.

Sa ngayon ang syudad ang nakatanggap ng maraming bakuna mula sa gobyerno partikular na ang Pfizer vaccine.

Ang mga indibidwal naman na nagparehistro sa pagbabakuna sa ilalim ng Thai Ruam Jai program ay inaasahang makakatanggap ng ikalawang shot ng AstraZeneca sa Setyembre.

SMNI NEWS