BINALAAN ng mga awtoridad mula sa Eastern part ng Malaysia ang mga travel agency na di umano’y ibinibenta sa mas mataas na presyo ang mga flight tickets.
Ayon kay Motac Minister Datuk Seri Tiong King Sing, ang kagawaran ay nakatuon sa mga paratang sa mga travel agent na bumibili ng mga flight ticket nang maramihan upang ibentang muli sa mas mataas na presyo.
Aniya, makikipag-ugnayan sila sa mga ahente upang maimbestigahan ang usaping ito.
Samantala, inaasahan rin na makikipagtulungan ang mga awtoridad sa sektor ng turismo sa Sarawak.
Hiniling din niya na dagdagan ang bilang ng mga tourist personnel sa estado.