Indonesia at Malaysia, nagkasundo na paigtingin ang proteksyon ng Indonesian migrant workers

Indonesia at Malaysia, nagkasundo na paigtingin ang proteksyon ng Indonesian migrant workers

TINALAKAY nina Manpower Minister Ida Fauziyah at Malaysia Home Minister Datuk Seri Saifuddin Sasution Ismail ang mga pamamaraan upang malutas ang isyu ng proteksyon ng mga Indonesian migrant workers partikular na sa mga nagtatrabaho bilang kasambahay.

Ayon kay Datuk Saifuddin, ang pokus ng kanilang talakayan ay kaugnay sa bagong patakaran ng Malaysia sa foreign employee pay plan.

Kabilang sa napag-usapan ng dalawang ministro ang pag-usad ng protection scheme pagkatapos ng 1st and 2nd joint working group pagkatapos selyuhan ang memorandum of agreement tungkol sa proteksyon ng mga Indonesian migrant workers.

Inilunsad ng gobyerno ng Malaysia ang RTK 2.0, ngunit kailangan pa rin ng ng Indonesia ng mas detalyado at malinaw na impormasyon tungkol sa pagpapatupad nito.

Sa pamamagitan ng pakikilahok sa programa ng RTK, ang mga iligal na imigrante ay maaaring kunin ng mga kwalipikadong employer, batay sa mga kondisyong itinakda ng Home Ministry at Immigration Department ng bansa.

Napagkasunduan ng Malaysia at Indonesia na ipagpatuloy ang pagbuo ng magandang kumunikasyon sa larangan ng pagggawa upang lumikha ng parehong interes sa pagitan ng dalawang bansa.

Samantala, ang Indonesia ay pumapangalawa sa bansa na may pinakamalaking bilang ng mga dayuhang manggagawa na nagtatrabaho sa Malaysia.

Follow SMNI NEWS in Instagram

Follow SMNI NEWS in Twitter