HANGGANG sa buwan ng Pebrero na maaaring magsumite ng fixed term employment contract ang mga employer sa United Arab Emirates (UAE).
Hiniling ng gobyerno na ayusin na ang contractual status ng mga manggagawa nito sa Huwebes pero ito ay muling inurong hanggang Disyembre 31.
Ayon sa Ministry of Human Resources and Emiratisation, ang hakbang na ito ay magbibigay ng mas maraming oras sa mga negosyo para sundin ito.
Noong nakaraang linggo, inihayag sa isang ulat na nahaharap sa pagsubok ng deadline ang mga kumpanya para maiwasan ang multa rito.
Una nang inanunsyo ng gobyernno na ang mga kumpanya ay kinakailangang magkaroon ng fixed three year contract sa lahat ng staff nito.
Samantala, tinanggal naman ito ng gobyerno noong Oktubre at pinayagan na ang mga employer na magdesisyon gaano katagal ang mga empleyado nito.
Dahil dito, maraming mga kumpanya na nagsumite ng proposal nito bago ang Oktubre ang kinakailangang muling baguhin ang kanilang contract agreements.
