LUMAPIT pa sa normal high-water level ang tubig sa Angat Dam.
Pstuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa huling dam monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Weather Forecasting Center, Lunes ng umaga, Setyembre 11, 2023, nadagdagan pa ng 0.26 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Dahil dito, umabot na sa 205.84 meters ang water level sa dam na malapit na sa 210 meters normal high-water level nito.
Una namang sinabi ng PAGASA, na malaking tulong ang muling pagtaas ng lebel ng tubig sa dam bago ang inaasahang mas malakas na epekto ng El Niño sa bansa sa huling bahagi ng taon hanggang sa unang quarter sa 2024.
Bukod sa Angat, tumaas din ng lebel ng tubig sa Ambuklao, Binga, San Roque, Pantabangan, Magat, at Caliraya Dam.