Tulong para sa mga biktima ng ‘Paeng’, ipinag-utos ng gobernador ng Lanao

Tulong para sa mga biktima ng ‘Paeng’, ipinag-utos ng gobernador ng Lanao

IPINAG-utos ni Lanao del Sur Gov. Mamintal Alonto Adiong Jr. ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na agad na isaaktibo ang “Sagip Tulong Mula sa Lanao del Sur Para sa Nasalanta ng Bagyong Paeng”.

Ayon kina Arham Guinar Monacala at Salih Maruhom ng PSWDO na tinulungan sila ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Lanao del Sur Provincial Office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pag-repack ng mga relief goods.

Dumating sa compound ng kapitolyo ng probinsiya noong Linggo ng umaga ang mga sako ng bigas at iba pang paninda na binili ng pamahalaang panlalawigan ng Lanao del Sur.

Samantala, inihayag naman ni Chancellor Alizedney Ditucalan ng Mindanao State University (MSU) na magiging modular ang lahat ng klase mula Nobyembre 3 hanggang 5.

 

Follow SMNI News on Twitter