Tumaob ang barkong Honghai sa karagatang sakop ng Brgy. Malawaan, Rizal, Occidental Mindoro alas-4 ng hapon nitong Abril 15.
TUMAOB ang barkong Honghai sa karagatang sakop ng Brgy. Malawaan, Rizal, Occidental Mindoro alas-kuwatro ng hapon nitong Abril 15.
Lulan ng nasabing barko ang 25 crew kung saan 13 ang Pilipino at 12 ang Chinese.
Ayon kay Mary Jolence Soriano ng Rizal MDRRMO, dead on arrival sa San Jose District Hospital ang isang Chinese habang anim pang Chinese at anim na Pinoy ang nasa ospital.
Patuloy ang search and rescue ng Philippine Coast Guard para sa pitong Pilipino at tatlong Chinese na hanggang ngayon ay nawawala.
Follow SMNI News on Rumble