Tumataas na bilang ng murder at homicide bases, nais patutukan ng Senado sa PNP

Tumataas na bilang ng murder at homicide bases, nais patutukan ng Senado sa PNP

NAIS patutukan ng Senado sa Philippine National Police (PNP) ang tumataas na bilang ng mga kasong may kaugnayan sa murder o homicide.

Ayon ito kay Senate President Migz Zubiri sa naging deliberasyon ng pondo para sa PNP sa Senado.

Ang mga itinuturing pa ng PNP na ‘isolated cases’ ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva ay nakikita at napapabalita sa international community.

Para kay Sen. Raffy Tulfo, handa siya na tumulong sa PNP na makakuha ng pondo para makabili ng karagdagang body-worn cameras upang mai-record ang kanilang mga operasyon.

Ipinanawagan nito na dapat palaging maisuot ang body cameras bawat operasyon para mai-promote ang accountability at transparency.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble