KINOKONDENA ng UAE ang pag-atake ng terorista na tinarget ang convoy ng mga sasakyan sa Hiran Region sa Central Somalia na nagresulta sa pagkasawi ng dose-dosenang katao.
Sa isang statement na inilabas ng Ministry of Foreign Affairs and Cooperation, malinaw ang pagkakahayag na kinukondena ng UAE ang mga kriminal na gawin ito maging lahat ng uri ng terorismo.
Nagpahayag din ang Foreign Affairs ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing biktima sa pangyayaring ito.
Kinilala namang Islamist insurgent group na Al-Shabaab ang may pakana ng pag-atake na ito.
Mariin ding nagpahayag ng pagkondena ang presidente ng Somalia na si Pres. Hassan Sheikh Mohamud at sinabing hindi titigil ang gobyerno nito sa paglaban sa terorismo sa bansa at sa rehiyon.
Matatandaan na taong 2007 pa na lumalaban sa gobyerno ng Somalia ang grupong ito na iniuugnay naman sa grupong Al-Qaida.