Mga pabahay sa Tagaytay, opisyal nang naiturn-over sa mga Olympic medalist ng POC

Mga pabahay sa Tagaytay, opisyal nang naiturn-over sa mga Olympic medalist ng POC

PORMAL ng ibinigay ng Philippine Olympic Committe (POC) ang mga pabahay sa Tagatay City sa mga Olympic medalist bilang premyo sa kanilang makasaysayang performance sa international competition.

Nagkaroon din ng groundbreaking ceremony para sa pabahay sa Tagaytay City ng tatlong Pinoy boxers na nakakuha ng medalya sa katatapos na Tokyo Olympics mula sa POC ngayong araw.

Maliban sa house and lot sa Tagaytay ay nakatanggap din ang mga Olympic medalist ng tig-iisang sasakyan mula sa POC.

 

Nakaraang linggo ay inihayag ni POC President at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino na hindi lamang si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang bibigyan ng pabahay sa Tagaytay.

Ito rin aniya ang ibibigay niya kina Olympic silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio at bronze medalist Eumir Felix Marcial.

Si Paalam ay tubong Cagayan de Oro City, habang sina Petecio at Marcial ay mula sa Davao del Sur at Zamboanga City ayon sa pagkakasunod.

Ang properties na ibinigay ni Tolentino ay ang pinakahuling rewards na natanggap ng ilang miyembro ng 19-man Philippine delegation na nakakuha ng medalya para sa bansa sa loob ng 97 years na partisipasyon sa Olympic games.

Bukod dito, bibigyan din ng karagdagang cash incentives ng POC ang apat na Filipino Olympic medalists sa Tokyo at tig-iisang sasakyan.

Matatandaang ipinangako ng opisyal noong Hulyo na kung sino man ang makapag-uwi ng gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics ay bibigyan niya ng pabahay sa naturang lungsod.

SMNI NEWS