HINDI requirement para makakuha ng medical at emergency employment assistance programs ng pamahalaan ang pagsuporta sa Charter change initiative.
Ito ang nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos sinabi ni Sen. Imee Marcos na inaalok ng mga pasimuno ng Cha-cha signature campaign ang TUPAD program ng ahensiya at Medical Assistance to Indigent Patients (MAIP) program ng Department of Health (DOH) bilang incentive sa sinumang pipirma sa kampanya.
Para sa Labor Department, maganda ang mga programa ng pamahalaan at hindi nila pahihintulutang gagamitin lang itong kasangkapan sa anumang intensiyon na hindi nakabatay sa batas.
Ayon kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, tanging disadvantaged at displaced workers lang ang maaaring makakabenepisyo sa kanilang inaalok na TUPAD program.
Sa panig ng DOH, magiging benepisyaryo lang ng kanilang MAIP program ang isang indigent patient na kinilala o na-evaluate ng isang lisensiyadong social worker ayon kay Health Deputy Spokesperson Asec. Albert Domingo.