LULAN ng Etihad Airways Flight EY 424 ang unang batch ng Pinoy repatriates na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Kabilang na rito ang 15 Pinoy caregivers at isang hotel worker ang nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas sa kabila ng patuloy na lumalalang bakbakan sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.
Sa kuwento ni Carmina, Mylene at Imelda takot at trauma ang nag-udyok sa kanila para umuwi ng Pilipinas kahit hindi pa tapos ang kanilang kontrata.
Ang mga dumating na repatriates ay sinalubong ng mga opisyal ng DFA, DMW, TESDA, DSWD, DOH gayundin sina Sen. Raffy Tulfo at OFW Party-list Rep. Marissa “Del Mar” at Kabayan Party-list Cong. Ron Salo.
Tumanggap din ng tulong-pinansiyal mula sa mga ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang mula sa OWWA na tig-P50k at scholarship program para sa kanilang mga anak.
Ayon kay DMW OIC Hans Leo Cacdac, nasa 14 naman ang ika-2 batch na darating na Pinoy repatriates galing Israel, araw ng Huwebes.