Unknown calls, huwag pansinin—DICT

Unknown calls, huwag pansinin—DICT

MAY babala ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) hinggil sa unknown calls na nagsasabing ginagamit sa ilegal na mga aktibidad ang SIM card ng call receivers.

Ayon kay DICT-Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) Executive Director Alexander Ramos, ang unknown caller ay nagpapanggap na mula sa kanilang ahensiya.

Dito na sasabihin ng caller na ‘for suspension’ ang SIM dahil sa iba’t ibang paglabag.

Sa bihirang pagkakataon ay nagpapakilala naman ang caller subalit binigyang-diin ng CICC na isa itong uri ng cybercrime.

Hinihikayat na ngayon ng CICC na hindi pansinin ang ganitong uri ng mga tawag.

Ang pagpaparehistro ng SIM ngayon ay nakabatay sa Republic Act No. 11934 at epektibo ito simula noong Disyembre 2022.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble