Unyon ng mga manggagawa sa DSWD, pinulong ni Sec. Gatchalian

Unyon ng mga manggagawa sa DSWD, pinulong ni Sec. Gatchalian

PINULONG kamakailan ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian ang unyon ng mga manggagawa sa DSWD.

Ayon kay Sec. Gatchalian, pagsusumikapan nila na tugunan ang lahat ng concerns ng mga kasama niyang empleyado ng tanggapan.

Tiniyak din ni Gatchalian ang pagbibigay ng ‘conducive workplace’ sa mga taga-ahensya.

Dahil kung natutugunan ang kapakanan ng mga empleyado, mas epektibo ang pagbibigay ng public service saad ng kalihim.

‘’A better workplace means more motivated employees. More motivated employees mean better delivery of services,’’ ani Gatchalian.

Sinuguro naman ni Gatchalian na magpapatuloy ang konsultasyon niya sa unyon at ibibigay ang pangangailangan ng mga ito.

Follow SMNI NEWS in Instagram