Momoland, opisyal nang nag-disband

Momoland, opisyal nang nag-disband

OPISYAL nang inanunsyo ng mga miyembro ng Momoland sa kanilang mga fans na pormal nang nag-disband ang kanilang grupo.

Ang grupong binubuo nila Nancy, Ahin, Jane, Jooe, Hyebin, at Nayun ay pare-parehong ibinahagi sa kanilang social media ang parehong sulat na nag-aanunsyo ng kanilang disbandment.

Nakalagay rin sa kanilang sulat ang kanilang paghingi ng tawad at pagpapasalamat sa kanilang fanbase at humiling ng kanilang patuloy na suporta habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang individual careers.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang nang inanunsyo ng MLD Entertainment na siyang agency ng grupo na nag-expire na ang kontrata nito sa grupo at napagkasunduang hindi na ito i-renew.

Nakilala ang Momoland sa kanilang hit songs na “BBoom BBoom” At “Baam” at binuo ang grupo noong 2016 sa pamamagitan ng talent search na “Finding Momoland.”

 

 

Follow SMNI News on Twitter