HINIHIKAYAT ni Agimat Party-list Representative Bryan Revilla ang ating mga kababayan na mag-urban gardening.
Ito ay upang maka-menos sa gastos at masiguro ang suplay ng pagkain, lalo na ang prutas at gulay, sa mga barangay.
“Napakaimportante po ngayon ang usapin sa food security… Upang masolusyunan ang food security,” ayon kay Rep. Bryan Revilla, Agimat Party-list.
Agimat Hardin ng Bayan Urban Gardening Competition, inilunsad sa Bacoor City
Sa Bacoor City Cavite, isang Urban Garden Competition na tinawag na “Agimat Hardin ng Bayan” ang inilunsad ng Agimat Party-list.
Ang launching ay dinaluhan din ni Bacoor City Mayor Strike Revilla, Vice-Mayor Rowena Bautista-Mendiola, at Congw. Lani Mercado-Revilla.
Itinaon din ang paglulunsad ng kompetisyon sa kaarawan ng namayapang si Ramon Revilla Sr. na kilalang mahilig sa pagsasaka.
Sa kompetisyon, tatlong kategorya ang maaring salihan, kabilang dito ang household o bahay, paaralan, at barangay category.
Mahalaga ay magkaroon ng nakatiwangwang o bakanteng lupa na maaring pagtamnan ng mga prutas at gulay.
Aabot naman sa 600 libong piso ang halaga ng papremyo ang ipamimigay para sa mga mananalo.
“Today we launched Agimat Hardin ng Bayan… Kunan ng pagkain para sa ating mga kababayan,” dagdag ni Revilla.
Para sa karagdagang impormasyon sa Agimat Hardin ng Bayan Competition ay maaaring bisitahin ang Facebook page ng Agimat Party-list.