NAGBABALA si US President Donald Trump na anumang karagdagang pag-atake o paghihiganti ng mga Houthi rebel ng Yemen ay pag-atake na rin ng Iran.
Naniniwala si Trump na nilikha ng Iran ang mga pag-atake ng militanteng grupo dahil sila ang nagbibigay ng mga armas at nagpopondo para sa mga high-end na military equipment ng Houthis.
Ang mga banta na ito ng US President ay kasunod sa inilunsad nilang panibagong airstrikes sa Houthi rebels noong Sabado, Marso 15, 2025.
Samantala, nilinaw na ng Iran na hindi nila suportado ang Houthi rebels lalo na sa kanilang mga pag-atake sa mga barkong dadaan sa Red Sea.
Ngunit nagbabala na ang isang heneral sa Iran sa posibleng resbak na maaaring mangyari matapos isagawa ng Estados Unidos ang mga pag-atake sa mga Houthi rebel sa Yemen.
Sa naturang pag-atake ay nasa 53 ang nasawi habang nasa 98 ang sugatan.
Follow SMNI News on Rumble