Usapin sa MUP pension system, magiging dagdag alalahanin ng mga sundalo—DND

Usapin sa MUP pension system, magiging dagdag alalahanin ng mga sundalo—DND

NABABAHALA si Department of Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa substitute bill na inaprubahan ng House of Representatives–AD Hoc Committee on the Military and Uniformed Personnel (MUP) pension system.

Sa isang pahayag, sinabi ni Teodoro na hindi siya pabor sa panukala na mandatory contribution ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) lalo na ang mga nakakumpleto ng 20 taong serbisyo.

Ayon kay Teodoro, dapat manatili ang pensiyon at entitlement ng mga nagretiro sa AFP kabilang na ang 100% indexation.

Isa aniya itong simpleng paraan ng pagkilala sa kanilang mga nagawa at sakripisyo sa bayan.

Naniniwala rin ang kalihim na ang usapin sa pension scheme ay dagdag alalahanin sa mga sundalo habang tinutupad ang kanilang misyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble