KINUMPIRMA ni Vickie Rushton ang balita na isa na siya sa mga reservist ng Philippine Army Reserve Force.
Mula sa Mutya ng Pilipinas International noong 2011 hanggang sa pagtapos sa First Runner-Up sa Binibining Pilipinas noong 2018, nakakuha si Vickie ng bagong titulo matapos ang kanyang training course para sa Philippine Navy – si HM2 Vickie Marie Milagrosa S. Rushton, PN (Res).
Sa Instagram, inilarawan ni Vickie ang kanyang paglalakbay bilang isang army reservist bilang “by far the highest and most meaningful achievement” para sa kanya.
Si Vickie, 30, ay nagretiro sa pageantry matapos makatapos sa Top 15 ng Binibining Pilipinas Pageant noong 2019.
Nagpasalamat naman siya sa Panginoon, sa Army Reserve Force, sa mga ka-batch, pamilya, at sa asawa nitong si Jason Abalos sa kanilang suporta.