PERSONAL na namigay si Vice President at Education Secretary Sara Duterte ng laptops sa mga guro at 151 PagbaBAGo bags para sa mga Grade 1 at Grade 7 na mga estudyante sa pagbisita ngayong araw sa Capalayan Elementary School at Capalayan National High School sa Surigao City.
Ang mga PagbaBAGo bags ay naglalaman ng school supplies at dental kits.
Sa kaniyang pagbisita, nagsagawa si VP Sara Dutere ng classroom visits sa mga mag-aaral upang bigyang-diin sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon para sa katuparan ng kanilang mga pangarap.
Nakipag-diyagolo rin ito sa mga guro upang pakinggan at tugunan ang kanilang mga hinaing at hiling tulad ng karagdagang school buildings, pagbabawas ng paperworks, at iba pang mga pangangailangan para sa kanilang mga paaralan.