VP Sara nakiramay sa pamilya ng sundalong nasawi sa laban kontra NPA

VP Sara nakiramay sa pamilya ng sundalong nasawi sa laban kontra NPA

PERSONAL na ipinaabot ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng nasawing sundalo na si Cpl. Rovic Jhun Boniao ng Philippine Army sa kanilang tahanan sa Aloran sa Misamis Occidental noong nakaraang linggo.

Ikinasawi ni Cpl. Boniao ang nangyaring engkuwentro laban sa teroristang grupo na New People’s Army (NPA).

“Nakakalungkot isipin na dalawang maliliit na anak ang naulila dahil sa isang giyera resulta ng baluktot na aydolohiya ng mga NPA.

Ipinaabot ko sa kanyang pamilya ang aking pasasalamat sa walang katumbas na serbisyo at pagmamahal na inialay ni Cpl. Boniao para sa ating bayan,” pahayag ni VP Sara Duterte.

“Ipinapaabot ko rin ang aking pakikiramay sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagkawala ng isang magiting na miyembro ng inyong hanay. Saludo kami sa kagitingan ni Cpl. Boniao!” madamdaming pahayag ng Pangalawang Pangulo.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble