DUMATING nitong Martes ng hapon si Vice President Sara sa Singapore.
Sa Facebook post, mula 3-day visit ni VP Sara sa Brunei ay dimiretso na ito sa Singapore para naman sa kaniyang 2-day visit.
Malugod siyang sinalubong ni Dr. Vivian Balakrishnan, ang foreign affairs minister ng nasabing bansa.
Ayon sa Pangulo, ilan sa mga natalakay sa usapin ay ang ukol sa edukasyon na siyang pakay ng pagbiyahe ni VP Sara bilang presidente ng Southeast Asian Ministers of Education Organization (SEAMEO).
Aniya, bibisitahin din nila ang Regional Language Center ng SEAMEO sa Singapore at ang Temasek Foundation.
Layon ng 2-day trip na maiangat ang antas ng edukasyon sa Southeast Asian Region kabilang ang Pilipinas na kasalukuyang pinamumunuan ni VP Sara.