SINABI ni bagong Health Secretary Teodoro Herbosa na seryoso ang Department of Health (DOH) na madaliin ang paglalabas na naunsyaming COVID-19 benefits para sa mga healthcare worker lalo na sa mga nurse.
Ito ang ipinangako ni Herbosa matapos itong himukin ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr. na ayusin na ang dapat na P12.5-B health emergency allowance para sa mga frontline medical workers.
Ngunit ayon kay Herbosa, malaking porsiyento ng mga benepisyong ito ay naipamahagi na sa mga qualified health workers.
Dagdag ni Herbosa, ang mga healthcare worker na hindi nakatanggap ng kanilang benepisyo ay nakaranas lamang ng technical issues sa hospital administration o directors at karamihan sa mga ito sa pribadong ospital.
Matatandaan na noong nakaraang linggo rin lamang nang magbitiw ng salita si Herbosa na dapat na bayaran ng tama ng pamahalaan ang mga healthcare worker partikular na ang mga nurse upang manatili ang mga ito sa bansa.