VP Sara, pinangunahan ang 2024 Office of the Vice President Pride Reception sa Cagayan de Oro City

VP Sara, pinangunahan ang 2024 Office of the Vice President Pride Reception sa Cagayan de Oro City

PINANGUNAHAN ni Vice President Sara Duterte ang 2024 Office of the Vice President Pride Reception na ginanap sa Cagayan de Oro City nitong Hunyo 25, 2024.

Kasama sa selebrasyon ang mga LGBTQIA+ sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ito ay aniya ay isang selebrasyon ng pagmamahal, pagkapantay-pantay, at pagkakaiba-iba na nagbubuklod sa ating bansa.

“Pinaalala ko sa kanila na ito ay hindi lamang isang selebrasyon kundi isang adbokasiya at edukasyon. Patuloy nating suportahan ang mga inisyatiba na nagsusulong ng pagkakaunawaan, proteksyon laban sa diskriminasyon, at pantay-pantay na oportunidad sa lahat,” pahayag ni VP Sara Duterte.

Kaugnay nito ay naggawad rin ang bise presidente ng dagdag na puhunan sa mga piling miyembro ng LGBTQIA+ sa Cagayan de Oro City sa ilalim ng programang Magnegosyo Ta ‘Day ng Office of the Vice President.

Muli naman nagpasalamat si VP Sara sa walang humpay nilang pagsusumikap upang sama-samang makamtan ang pagkakaisa.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Nation Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter