AYON kay Vice President Sara, hindi nangangahulugan na kung ano ang paniniwala ng mga House prosecutors ay siya ring paniniwala ng buong bayan. Ito ay kaugnay ng mga bagong pangalan na sinasabing tumanggap ng confidential funds mula sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Sabi ng House prosecutors, lalo anila tumitibay ang ebidensiya laban kay VP Sara sa isyu ng confidential funds.
Iyan ang ipinunto ni Rep. Ysabel Maria Zamora, isa sa House prosecutors, matapos lumutang ang panibagong grupo ng mga pekeng pangalan na benepisyaryo umano ng confidential funds ng OVP at DepEd.
Ngunit para kay VP Sara, hindi ito batayan ng katotohanan.
“‘Yun ‘yung mga paniniwala nila. So pabayaan na natin sila sa kanilang guni-guni. It doesn’t have to be na ang paniniwala nila ay paniniwala rin ng buong bayan,” saad ni Vice President Sara Duterte.
Sa kabila ng mga pag-atake sa kaniya, sinabi ni VP Sara na nagbunga ito ng mas malalim na ugnayan sa pagitan niya at kapatid niyang si Kitty.
“I am blessed because I gained a sister with what happened to me after the attacks—confidential fund attacks, the impeachment. And we have a relationship now. I have a relationship with Kitty. And I am happy now,” dagdag ni VP Sara.
VP Sara, may hinihintay na mga dokumento bago makauwi sa Pilipinas
Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si VP Sara upang asikasuhin ang depensa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kaniya sa International Criminal Court (ICC).
Aniya, may hinihintay na lamang siyang isang dokumento bago matapos ang kaniyang trabaho sa Netherlands.
“Pag dumating na ‘yung documents, puwede na akong umuwi,” ani VP Sara.
Dagdag pa niya, may dalawa nang abogadong kasama si Atty. Nicholas Kaufman sa legal team ni PRRD, ngunit patuloy pa rin silang naghahanap ng karagdagang mga eksperto sa batas.
“They are interviewing other lawyers as we speak. Hopefully, before I leave, that team is already complete. But at the moment, it’s not complete,” aniya.
Interim release ni FPRRD, pinag-aaralan na; VP Sara, muling ipinangamba ang seguridad ng ama
Pinag-aaralan na ng legal team ni dating Pangulong Duterte ang posibilidad ng pag-apply ng interim release habang nililitis ang kaso.
Ngunit ayon kay VP Sara, may pangamba siyang dala sakaling makauwi sa Pilipinas ang kaniyang ama.
“I fear for his life in the Philippines. But we follow what the client wants—what Pres. Duterte wants. And he wants to go home. Everyone wants him to go home to the Philippines. And Dabawenyos want him to go home because they will be his mayor for the next three years,” dagdag ng Bise Presidente.
Malacañang, dapat pag-isipan ang mga hakbang sa pagbabalik ni FPRRD sa Pilipinas—VP Sara
Sa kabila ng mga usapin hinggil sa posibleng pansamantalang paglaya ni PRRD, iginiit ng Malacañang na hindi ito makikipagtulungan sa ICC.
Ayon kay VP Sara, ang susunod na hakbang ay nakasalalay sa desisyon ng administrasyon, hindi sa pamilya o mamamayang Pilipino.
“Well, that is something that they have to think about. The administration has to think about what their next steps are. They should not ask the family. They should not ask the Filipino people on what their next steps are regarding the return of Pres. Duterte to the Philippines.”
“Maybe when they decide—if ever they will decide what their next steps are—where it is even discussed inside the halls of the Palace, they can tell us what their plans are, what the government intends to do with the return of President Duterte,” aniya pa.
Ilang linggo na ang nakalipas mula nang ilagay sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Patuloy pa ring tumitindi ang panawagan mula sa iba’t ibang sektor at panig ng mundo para maibalik ang dating pangulo sa Pilipinas. Ito ay upang harapin umano ni Pangulong Duterte ang mga kasong isinampa laban sa kaniya.
Follow SMNI News on Rumble