Wagner chief Yevgeny Prigozhin, inilibing na

Wagner chief Yevgeny Prigozhin, inilibing na

ISANG private funeral ang isinagawa sa paghatid sa huling hantungan ni Wagner paramilitary chief Yevgeny Progozhin sa St. Petersburg, Russia.

Ito ang kinumpirma ng Wagner Press Service sa pamamagitan ng isang short message sa Telegram.

Matatandaan na isa si Prigozhin sa 10 nasawi nang bumagsak ang sinasakyang eroplano na patungong Moscow noong Agosto 23.

Kasama rin sa kinumpirmang nasawi ang kanang kamay ng mercenary chief na si Dmitry Utkin.

Samantala, sa anunsiyo ng Wagner, para sa mga nagnanais na magpaalam o dumalaw sa puntod ni Prigozhin ay maaaring bisitahin ito sa Porokhovskoe Cemetery sa kaniyang hometown sa St. Petersburg.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter