War on drugs ng Duterte admin, walang kinunsinting pulis; ICC, walang basehan na imbestigahan ito—Albayalde

War on drugs ng Duterte admin, walang kinunsinting pulis; ICC, walang basehan na imbestigahan ito—Albayalde

BINIGYANG-diin ni former Philippine National Police (PNP) Chief Ret. PGen. Oscar Albayalde na walang sinumang pulis ang kinonsente sa war on drugs ng dating administrasyong Duterte.

Ito ay base sa eksklusibong panayam ng SMNI News North Central Luzon.

Matatandaang isa sa binanggit ni Sen. Risa Hontiveros ang umano’y hustisya sa pamilya ni Kian delos Santos at iba pang biktima umano ng war on drugs ng dating administrasyon.

 “Noong panahon na ‘yun, ‘yung lahat ng na-involve doon sa Kian case na ‘yan kinasuhan po natin ng murder at remember na-convict po ‘yang mga ‘yan at never na binigyan ng pardon ng ating dating Pangulo. Dati po kasi sinasabi ng dating Pangulo na sige pa-convict kayo, bukas na bukas din at ipa-pardon ko kayo sabi niya pero ‘yun pong panahon na ‘yun ‘yung kay Kian case na ‘yun, naalala ko pa fresh pa sa utak ko ‘yun, ang sinabi ng dating Pangulo noon, I will not pardon you in a million years sabi niya so, hindi po na-pardon ‘yung mga ‘yun at I’m sure, I’m sure hanggang ngayon nakakulong pa po ‘yung mga pulis na ‘yun,” ayon kay Ret. PGen Oscar “Oca” David Albayalde, Former PNP Chief.

Tiniyak din ni Albayalde na maraming pulis ang nakasuhan at naisyuhan ng warrant of arrest gaya ng apat na pulis matapos mapatay ang mag-amang pinaghihinalaang drug pushers sa Pasay noong 2016.

“Nakasuhan din po ‘yung mga pulis na ‘yun ng murder, ilang pulis kung hindi ako magkamali mga kung hindi dalawa, apat ‘yun na nakasuhan at nasira po ‘yung career nila dahil nag-AWOL po ‘yung mga ‘yun, basta ang alam ko na-isyuhan sila ng warrant of arrest for murder, no bail po ‘yun nasundan pa po ‘yun , ‘yung isa August, ‘yung pangalawa yata September ng 2016, na-isyuhan din ng warrant ‘yung mga pulis na ‘yun so, wala po tayong tinolerate sa mga pulis na umabuso even during the time of a… ‘yung kasagsagan ng drug war natin,” dagdag ni Albayalde.

Ayon pa kay Gen. Albayalde, hindi tamang magpadikta ang Pilipinas sa mga banyagang korte dahil maayos na gumagana ang judicial system sa bansa.

“Hindi naman tayo siguro magpapadikta sa foreign court dahil meron nga tayong perfectly functioning na korte dito at judicial system dito sa atin,” ani Albayalde.

Gayunpaman, si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. pa rin umano ang magdedesisyon ukol dito.

Albayalde, sang-ayon sa peace talk kung isusuko ng armadong grupo ang kanilang mga armas

Samantala, sang-ayon naman si Gen. Albayalde na magkasundo ang gobyerno ng Pilipinas at komunistang teroristang grupong buhayin ang peace talks sa kondisyong isuko ng armadong grupong New People’s Army (NPA) ang kanilang mga armas sa mga awtoridad at pamahalaan.

Ayon sa heneral, wala na aniyang dahilan pa ang komunistang teroristang organisasyon na lumaban sa pamahalaan.

“Lay down our arms ‘coz there’s no point of fighting the government dahil pare-pareho po ang gusto natin dito, fighting poverty and fighting corruption, ito ang gusto nating mangyari para tayo umasenso as a nation, ‘yung armed conflict is not peace may nagpapatayan, may nabibiktimang mga inosente, nag-aambush ng mga government…enforcement agency from the Armed Forces of the Philippines, how can be peace kung ganoon? It should be advantageous on both sides, hindi lang on one side, dapat both sides ito at dapat talagang sincere kayo dito at sabi mo nga transparent tayo,” wika ni Albayalde.

Aniya may posibilidad na magduda ang gobyerno at mamamayan sa peace negotiations na ito kung patuloy na mangingikil at mambibiktima ng mga inosenteng Pilipino ang armadong grupo sa mga komunidad.

Sa kabilang banda, napakalaking bagay umano ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na may magandang layuning wakasan ang matagal nang problema sa insurhensiya at magkaroon ng tunay na peace and order sa bansa.

Dagdag pa nito na dapat magtanong sa kanilang sarili ang mga taong nais tanggalin ang NTF-ELCAC, kung ito ba ay para sa interes ng sambayanang Pilipino o sa kanilang personal na interes lamang.

Follow SMNI NEWS on Twitter