War on Drugs sa PNP, mahigpit na pinatututukan ng DILG

War on Drugs sa PNP, mahigpit na pinatututukan ng DILG

KINALAMPAG ni Department of Interior and Local Government (DILG)Secretary Benhur Abalos ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa paglaban kontra sa iligal  na droga sa bansa.

Sinabi ni Abalos ngayong nakapaghain na sila ng kaso sa Percy Lapid murder case dapat naman aniyang tutukan ang paglaban ng PNP sa illegal drugs.

Nais na malaman ng kalihim kung saang barangay ang may mga mararaming users at pushers ng ipinagbabawal na droga para matutukan ng mga otoridad at maiparehab ang mga lulong sa droga at kasuhan naman ang nararapat na kasuhan ng otoridad.

Dagdag pa ni Abalos dapat na hanapin ang mga ugat o mga malalaking isda sa pagkalat ng ipinagbabawal na droga at mapanagot sa batas.

Gayunpaman pagtitiyak ng kalihim kahit sa mga nagdaang linggo o buwan ng Percy Lapid case ay hindi naman aniya napabayaan ng kapulisan ang pagbabantay sa ipinagbabawal na droga.

Sa halip ikinatuwa pa nga ng kalihim ang magandang performance ng kapulisan sa huling 4 na buwan sa pagsugpo ng iligal na droga.

Ang pahayag ng kalihim ay  kasabay ng pagbibigay parangal sa mga miyembro ng Special Investigation Task Group sa Lapid murder case na isinagawa sa grandstand ng Camp Bagong Diwa sa lungsod ng Taguig na pinangunahan ni NCRPO chief PBrig. Gen. Jonnel Estomo.

Samantala nagbabala naman si Abalos sa mga pulis na may makitaang lugar sa bansa na talamak ang iligal na droga.

Bukod dito iniutos din ni Abalos na maging 24/7 ang presensya ng pulis ngayong Kapaskuhan.

 

Follow SMNI News on Twitter