NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na maaring makakuha ng water borne disease at maimpeksiyon ang isang tao dahil sa pagligo sa swimming pool o kahit anong inflatable pool.
Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa, ‘yan ay kung hindi namimintina at nalilinisan nang maayos ang swimming pool.
Ayon dito, maaring magkaroon ng diarrhea o magtae ang sinuman o ang mga bata na makakainom ng tubig mula sa nasabing paliguan.
Sinabi rin nito na maaring makapitan ng bacteria ang isang tao lalo na kung sa isang public swimming pool ito naliligo dahil sa ihi, dumi, at pawis ng pami-pamilyang naliligo dito.
Payo rin nito na pagkatapos ng pagligo sa swimming pool ay agad na banlawan ang sarili para maalis ang anumang dumi na kumapit dito.
Ang mga paliguan na hindi marunong magmintina nito ay maaring i-report sa DOH ayon sa kalihim.