WHO, pinuri ang gobyerno ng Pilipinas sa maagang pagpigil sa pagpasok ng Delta variant

WHO, pinuri ang gobyerno ng Pilipinas sa maagang pagpigil sa pagpasok ng Delta variant

PINURI ni World Health Organization (WHO) Representative to the Philippines Doctor Rabindra Abeyasinghe ang national government ng Pilipinas dahil sa mga hakbang nito upang mapigilan ang pagpasok ng Delta variant.

Ani Dr. Dr. Rabindra, 132 na bansa na sa mundo ay mayroong Delta variant.

Sinabi pa rin Dr. Rabindra, kabilang sa mga pinatupad na restrictions ng bansa na nakatulong upang mapigilan ang pagpasok ng Delta variant ay ang strict quarantine and testing protocols para sa mga incoming travelers at ang pag-impose ng travel ban sa mga apektadong bansa.

Kaugnay nito, mas paiigtingin pa ng Department of Health (DOH), national government agencies at mga local government unit ang mga vaccination program at healthcare response para sa mga Pilipino.

Ayon naman sa DOH, sa pamamagitan ng vaccination program ng gobyerno, mas marami ang mapoprotektahan laban sa malubhang COVID-19 at mababawasan ang mamamatay at maoospital.

Una nang pinuri ng OCTA Research group ang naging desisnyon ng pamahalaan na ilagay ng mas maaga sa mas istriktong community quarantine ang National Capital Region (NCR) sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng Delta variant.

Ayon sa OCTA base sa mga nakaraang karanasan ng bansa sa pandemic, ang mas maagang aksyon ay maaaring magbunga ng mas mabilis na resulta.

Saad ni OCTA Fellow Professor Guido David katulad ng sitwasyon noong Agosto ng nakaraang taon, mula sa reproduction number na 1.76 bumaba ito hanggang 1.13 sa loob lamang ng dalawang linggo ng inilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Sa kasalukuyan, nasa 1.33 ang reproduction number ng rehiyon.

BASAHIN: Maagang lockdown sa NCR, pinuri ng OCTA Research

SMNI NEWS