Maagang lockdown sa NCR, pinuri ng OCTA Research

Maagang lockdown sa NCR, pinuri ng OCTA Research

PINURI ng OCTA Research group ang naging desisyon ng pamahalaan na ilagay ng mas maaga sa mas istriktong community quarantine ang National Capital Region (NCR) sa gitna ng nagpapatuloy na banta ng Delta variant.

Ayon sa OCTA base sa mga nakaraang karanasan ng bansa sa pandemic, ang mas maagang aksyon ay  maaaring magbunga ng mas mabilis na resulta.

Saad ni OCTA Fellow Professor Guido David katulad ng sitwasyon noong Agosto ng nakaraang taon, mula sa reproduction number na 1.76 bumaba ito hanggang 1.13 sa loob lamang ng dalawang linggo ng inilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

Sa kasalukuyan, nasa 1.33 ang reproduction number ng rehiyon.

Ang konsepto ani OCTA Research Fellow Ranjit Rye ay ang gumawa ng mas maagang interbensyon habang ang mga kaso ay hindi pa gaano karami.

Kung ipinapaliban naman ang lockdown saad ng grupo hindi malayong mas dumami pa ang mga kaso at COVID-19 deaths sa NCR na siyang epicenter ng pandemya sa bansa.

Giit ng OCTA lahat ng interbensyon ay hindi lamang haka-haka kundi base sa mga datos kung kaya’t kampante silang irekomenda ang mas maagang lockdown ng Metro Manila.

BASAHIN: 1.8-M business workers, maapektuhan kung ipatutupad sa NCR Plus ang ECQ —DTI

SMNI NEWS