AMINADO ang aktres na si Xyriel Manabat na hindi naging madali ang mga bashing na kaniyang natatanggap mula sa mga netizen.
Aniya, maraming below the belt na mga comment sa kaniyang mga larawan kung saan lagi pinupuna ang kaniyang dibdib.
Inamin din ni Xyriel na nakaapekto na sa kaniyang mental state ang mga natatanggap na toxic comments at umabot na rin sila sa usaping legal.
Dahil dito, kailangan ng aktres na sumailalim sa therapy dahil priyoridad nito ang kaniyang mental health.
Sa huli, binigyang-diin ni Xyriel na dapat ang pagiging positibo ang tinitingnan sa isang tao at hindi ang kaniyang kapintasan.