PINAYUHAN ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) Secretary General Mark Rutte si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy na humanap ng paraan upang ayusin ang relasyon nito kay US President Donald Trump.
Aniya, dapat ding igalang ni Zelenskyy ang nagawa ni Trump para sa Ukraine.
Noong unang termino ni Trump, inaprubahan ng Estados Unidos ang pagbebenta ng Javelin anti-tank missile system sa Ukraine, na nakatulong sa kanilang depensa laban sa Russia.
Nagkita sina Zelenskyy at Trump noong Pebrero 28, 2025, ngunit nagkaroon ng tensiyon sa pagpupulong. Nauwi ito sa pagpapatalsik kay Zelenskyy mula sa White House.
Ang orihinal na agenda ng pagpupulong ay ang isang kasunduan sa mineral sa pagitan ng dalawang bansa, ngunit tinapos ito ni Trump at sinabing hindi pa handa si Zelenskyy para sa kapayapaang kasama ang Amerika.