Zero casualty sa Semana Santa at Ramadan, tiniyak ng PNP

Zero casualty sa Semana Santa at Ramadan, tiniyak ng PNP

KASUNOD ng paparating na paggunita ng Semana Santa at buwan ng Ramadan, hinihiling ng Philippine National Police (PNP) ang maayos na pagtutulungan ng mga kapulisan at ng publiko para maiwasan ang anumang karahasan at mga banta sa seguridad ng lahat.

Ayon sa PNP, hangad nito ang zero casualty week mula sa mga paliparan, terminal ng bus, mga pantalan na tiyak ang pagdagsa ng maraming tao sa naturang mga lugar.

Personal na pinaalalahanan ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., ang lahat na sumunod sa mga patakaran, mula sa biyaheng pamhimpapawid, sa lupa o karagatan man upang maging ligtas sa mga lugar na pupuntahan.

“For all travelers via different airlines or seaports, let’s all ensure that no untoward incidents will happen at the airports and seaports especially the baggage or belongings of passengers,” ayon kay Rodolfo Azurin Jr., Chief, PNP.

Sa katunayan, personal na hinimok ng heneral ang lahat ng land travels na tiyaking nasa maayos na kondisyon hindi lang ang mga sasakyan kundi maging ang mga nagmamaneho nito para maiwasan ang anumang aksidente sa daan.

“To those taking the bus, please ensure that the drivers are okay, not tired and the buses are in good running conditions. Let’s keep this holy week one of the safest and most peaceful one,” dagdag ni Azurin.

Sa kabilang banda, nagbigay rin ng direktiba si Azurin sa lahat ng police commanders nito sa buong bansa na maging maingat din sa pagresponde sa mga insidente para mapigilan ang anumang karahasan laban sa mga criminal.

Kasunod ito ng pagkamatay ni San Miguel Bulacan Chief of Police Col. Marlon Serna habang nirirespondehan nito ang isang robbery hold up report sa San Ildefonso Bulacan.

“Let’s avoid the unfortunate incident that happened in San Miguel Bulacan. Let’s aspire for zero casualties among our personnel and the community we are serving and protecting as we observe our Holy Week,” aniya.

Sa ilalim ng “Ligtas SumVac (Summer Vacation) 2023” campaign, dineploy ng PNP ang nasa mahigit 74k police officers nito para masigurong ligtas ang publiko sa nasabing mga okasyon.

Samantala, kasunod ng patuloy na pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista sa isla ng Boracay, kaliwa’t kanang presensiya ang tiniyak ng PNP Aklan sa lugar mula sa mobile hanggang sa foot patrols nito.

Nariyan din ang mga signages o paalala para sa mga turista sa mga pag-iingat at dapat na gawin sa oras ng kailanganin ng mga ito ang tulong ng mga kapulisan.

“Let us also pray and discern for a better PNP. Regards to the family!” pagtatapos ni Azurin.

Aminado naman ang PNP na malaking hamon ito sa kanila dahil sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya at pagdami ng tao sa lansangan lalo na sa mga lugar na dinarayo ng mga tao dahil na rin sa pagbubukas ng industriya ng turismo sa bansa.

Sa kabila nito, wala anilang mas masayang paggunita ng mga ganitong kaparehong okasyon at mga pagtitipon sa pakikibahagi ng lahat sa mga dapat na mga pag-iingat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter