1 suspek timbog sa buy-bust ops ng mga awtoridad sa Tacloban City

1 suspek timbog sa buy-bust ops ng mga awtoridad sa Tacloban City

ARESTADO ang isang lalaki kasunod ng isinagawang buy-bust operations ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Region 8-Tacloban City Office at Regional Special Enforcement Team.

Katuwang ang PNP Tacloban-Police Station 3, kinilala ang suspek na si alyas “Balong” na dinakip sa Brgy. Suhi, Guadalupe Heights Phase 3, Tacloban City nitong Lunes, Nobyembre 18, 2024.

Nakumpiska mula sa suspek ang 6 piraso ng sachet ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 2 gramo o katumbas ng Php13,600.00.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

 

Follow SMNI NEWS on Twitter