100% free dialysis para sa senior citizens, isinusulong ni Sen. Hontiveros

ISINUSULONG ni Senator Risa Hontiveros na maging 100% free ang lahat ng senior citizens na nangangailangang sumailalim sa dialysis.

“Dialysis has become the lifeline for so many of our senior citizens. It is already difficult to grow old, pero doble ang hirap ng mga lola’t lola na kailangan ding magpa-dialysis. We should help ease the burden,” pahayag ni Hontiveros.

Inihain ng senador ang Senate Bill No. 2053 o ang Free Dialysis for Senior Citizens Act of 2021.

Layon ng panukala na gawing libre ang lahat ng 144 na dialysis na kailangan ng mga matatandang may sakit sa bato.

Sa pamamagitan nito ay ire-reimburse ng buo sa PhilHealth ang lahat ng dialysis sessions na gagawin sa mga accredited hospitals o sa mga free standing dialysis center.

Binigyang diin ni Hontiveros ang pinalala ng pandemic ang financial at physical vulnerabilities ng mga senior citizen.

“Ang mga lolo’t lola natin ang isa sa pinaka-bulnerableng grupo ngayong pandemya. P500 lang ang natatanggap nila bawat buwan sa social pension nila, at yung mga kaya namang magtrabaho, hindi makalabas dahil sa health restrictions. How do we expect them to afford the extra P135, 000 needed to complete their sessions? That is a massive financial obligation. It is simply unjust,” ayon kay Hontiveros.

Sinabi din ni Hontiveros na kailangang maipasaang naturang panukalang batas sa lalong madaling panahon upang gawing mas madali ang buhay para sa mga may sakit sa bato na nananatiling pang-pito sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino ayon sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

“Kidney disease is one of the killer sicknesses in the country. I hope this will be a foot in the door to finally expanding the coverage and permanently increasing the number of dialysis sessions we can give our people to give them the chance to still live their lives,” ani pa ni Hontiveros.

Sa kasalukuyan, sagot ng PhilHealth ang 90 session ng dialysis, ngunit sinabi ni Hontiveros na inaasahan ng kanyang panukalang batas na masakop ang kumpletong 144 na sesyon na kinakailangan para sa isang kumpletong taon ng paggamot ng mga senior citizen.

SMNI NEWS