110 screeners inihanda ng NAIA para sa Undas

110 screeners inihanda ng NAIA para sa Undas

Nagpadala ang Office for Transportation Security (OTS) ng karagdagang 110 screeners sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Bilang paghahanda ito sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa Undas.

Ayon kay OTS Acting Administrator Jose Briones Jr., mahigit 1K (1,203) OTS personnel na rin ang naka-assign sa lahat ng terminal ng NAIA.

Nasa 1.2K (1,232) personnel naman ang nakakalat sa iba’t ibang paliparan sa buong bansa.

Nagpadala rin sila ng security auditors upang masiguro na nasusunod ng mga operator ng paliparan ang mga national at international standards.

Isinasagawa na rin ang regular na maintenance ng mga gamit sa security screening para maiwasan ang aberya lalo na ngayong inaasahang dadami ang pasahero.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble