Rep. Ching Bernos nanawagan ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag sa Safe Spaces Act

Rep. Ching Bernos nanawagan ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag sa Safe Spaces Act

Nanawagan si Solid North Party-List Representative Ching Bernos na amyendahan na ang Safe Spaces Act.

Ito’y upang maglagay ng mas mabigat na parusa sa mga lumalabag nito sa gitna ng patuloy na mga ulat ng sexual harassment.

Ayon sa mambabatas, bagamat matagal nang ipinatupad ang Anti-Sexual Harassment Act at Safe Spaces Act, patuloy pa ring dumadami ang mga biktima.

Madalas pa ay takot ang mga ito na magsumbong.

Sa ilalim ng kaniyang panukalang batas na House Bill No. 3118, maaaring makulong ng hanggang anim na taon ang sinumang mapatutunayang gumawa ng gender-based sexual harassment sa mga workplace at educational/training institutions.

Maaari ding pagmumultahin ang mga ito ng P250,000 hanggang P500,000.

Ang mga opisyal naman sa isang workplace o organisasyon na mapatunayang salarin ay maaaring ma-revoke ang appointment.

Ang mga dayuhan naman ay ipapa-deport matapos silang makapagsilbi ng sentensiya o magbayad ng multa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble