125K katao nabakunahan sa loob ng 3 araw sa lungsod ng Maynila

125K katao nabakunahan sa loob ng 3 araw sa lungsod ng Maynila

PUMALO sa kabuuang  125,598 katao ang nabakunahan sa lungsod ng Maynila sa loob ng tatlong araw.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso, ito’y kasunod ng  panibagong  all-time high vaccination record sa isang araw lamang kung saan 43,011 ang nabakunahan kahapon, Hulyo 5.

Nasa 42,649 ang nabakunahan noong Hulyo 3 habang 39,938 noong Hulyo 4.

Mula sa 400,000 Sinovac na binili ng Manila LGU sa China ang ginamit sa tatlong araw na pagbabakuna na dumating noong Hunyo 24, 2021.

Tuloy-tuloy rin ang ginagawang bakunahan sa lungsod kahit sa araw ng Sabado at Linggo.

Nagsagawa rin ang lungsod ng night vaccination sa Recto na ginanap mula alas 10:00 hanggang alas 5:00 ng umaga.

Layunin ng night vaccination na mabigyan ng bakuna ang mga kargador, driver, pahinante, pedicab driver, kuliglig driver, vendor ng isda, gulay at karne na mula sa Maynila, Northern Luzon, Central Luzon at Southern Luzon na nagtatrabaho sa Divisoria Night Market.

Samantala, nasa 32,500 dosis ng bakuna kontra COVID -19 ang nakatakda namang i-deploy ngayong araw sa lungsod ng Maynila.

Isasagawa ang first dose vaccination sa mga kabilang sa A1-A5 priority groups sa apat na mall sites.

Tig-2,500 doses naman ang bakunang nakalaan sa bawat vaccination site.

Makatatanggap  ng kanilang first dose ng bakuna ang mga kabilang sa A1 hanggang A5 priority groups sa 18 school sites.

Tig-1,250 doses ng bakuna ang nakalaan sa bawat vaccination site.

Tinatayang mauubos ang bakuna na binili ng Manila LGU ngayong araw o bukas.

SMNI NEWS